ang inspirasyon sa kwento ni Katrina ay mula sa isang karanasan ng isang malapit na kaibigan, at iyon ay naisalarawan ko na sa mga naunang kabanata. kung alin duon ang karanasang aking tinutukoy, bahala na kayong manghula.

matagal na hindi nasundan ang kwento nito dahil ang mga susunod na kabanata ay pawang kathang isip na lamang, kaya’t medyo mag-iiba ang direksyon ng kwento at akin munang pinag-isipan ang mga magaganap. naipasya ko na dahil gagamitin ko din ang mga karakter mula sa isa pang serye para sa kwento ni Katrina, na pag-isahin na lang ang mga ito. kaya’t sa mga nais na sumubaybay sa kwento ni “Katrina”, mangyari po na sundan na lamang ito sa “Kapag Wala Ang Pusa”.

ito rin ang dahilan kung bakit pansamantalang nahinto ang paglalathala ng “Kapag”, upang maisaayos ang pagsali ni Katrina sa seryeng iyon. sa mga sumusubaybay sa aking mga kwento, ito na siguro ang inyong abangan sa taong ito, dahil malapit ng mamaalam ang “Gapang”. kakaiba at magiging kapana-panabik ang pagbabalik nina Eileen, Hazel, at syempre si Katrina.